BUKO PANDAN

 


MGA SANGKAP:

1 pack ng Gelatin Powder

1/2 kilong kayod na buko 

1 lata ng alaska condensada

2 pack ng Nestle Cream 

45 g eden cheese

PARAAN NG PAGGAWA NG BUKO PANDAN:

Una, ihanda lahat ng sangkap na gagamitin sa ating paggawa ng buko pandan.

Ikalawa, ilagay ang gelatin powder sa kaserola at lagyan ito ng dalawang basong tubig. Haluin ito habang pinapakuluan upang hindi mamuo ang powder. Pagkatapos, patayin ang apoy kung mapansing matigas na ang gelatin at isantabi muna ito upang lumamig.

Ikatlo, hiwain ang gelatin ng pa kuwadrado.

Ikaapat ,ilagay lahat ng sangkap gaya ng gelatin, gatas, buko at keso. Pagkayari, haluin itong mabuti at maari itong tikman gamit ang kutsara upang malaman kung sakto lang ba ang tamis nito.

Panghuli, ilagay ito sa tupperware at palamigin sa ref kahit dalawang oras o higit pa. At maaari na itong ihain upang makain.

-ERIKA MAE C. TORRES-

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ADOBONG MANOK

BANANA CUE

BICOL EXPRESS