SPAGHETTI
MGA KASANGKAPAN:
1 Sibuyas
Kalahati ng isang Bawang
2 Carrots
1kg Giniling na Baboy
1 balot na hotdog
2 latang Mushroom
1 Condense Milk 2 Nestle Cream
1 Eden Cheese 250 g Tomato Sauce
150 g Pack Tomato Paste
1 Bell Pepper
1kg Pasta
PREPERASYON:
Una, Ihanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Tulad ng sibuyas, bawang, carrots, giniling na baboy, hotdog, mushroom, condense milk, nestle cream, cheese, tomato sauce, tomato paste, belle pepper.
At syempre, ang spaghetti ay hindi mabubuo kung walang pasta.
*Sa Unang hakbang, lutuin ang pasta.
-Maglagay ng Tubig sa kaserola at lagyan ito ng asin.
-Pagkatapos ilagay na ang pasta at pakuluan ng 8-10 minuto.
-Matapos patiktikan ang pasta at ilagay sa lalagyan.
*Ikalawa, para naman sa paggawa ng sauce.
-Una, igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika.
-Pag bumango na ang ginigisa na bawang at sibuyas. Maaari ng idagdag ang giniling na baboy.
-Ikalawa, sa oras na maluto na ang baboy maaari ng idagdag ang hotdog, at isunod ang carrots, bell pepper, at mashroom.
-Ikatlo, Halu-haluin at lagyan ng tubig. Pagkatapos ay hintayin itong kumulo sa loob ng 10-15 minuto.
-Matapos kumulo, idagdag na ang tomato sauce at tomato paste at hintayin kumulo ulit.
-Sa huli naman ay idagdag na ang condense milk, nestle cream at asin. Pagkatapos haluin nang mabuti.
-Magpalipas lang ng ilang minuto, At handa na ang ating spaghetti.
*Pagkatapos ng Ilang hakbang, ihain na ang pasta at ilagay ito sa malinis na lalagyan.
-Ibuhos sa ibabaw ang sauce at ilagay ang cheese bilang toppings.
*At sa wakas lutu na ang ating Spaghetti, Maari na itong kainin.
-GLYDEL G. GALANG-
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento