BANANA CUE
SANGKAP:
1 piling na saging saba
1 bote Mantika
1/2 tasa ng asukal na pula( brown sugar)
PREPARASYON:
Una, linisin ng mabuti ang mga sangkap na kailangan. Upang mapanatili ang kalidad at kalinisan ito bago iluto.
Sumunod, balatan ang saging at ilagay ito sa malinis na plato.
Pagkatapos magbalat, isantabi ang mga saging. Ilagay ang mantika sa kawali at painitin ito. Kapag mainit na ang kawali, ilagay ang asukal na pula o brown sugar pati ang saging at pirituhin ito.
Haluin maigi ang pinipirito upang maiwasan masunog ang saging.
Hintaying maluto ito ng husto hanggang sa kumapit ang asukal sa saging at maging crispy ito.
Tuhugin ang mga saging gamit ang bananacue stick at maglagay ng tig-dalawang piraso ng saging bawat stick.
Panghuli, ihanda ang mga nagawang bananacue stick kasama pampalamig na inumin.
-ALIAHNA SANCHEZ-
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento