CRISPY KANGKONG

 


 SANGKAP:

1 tungkos ng kangkong
1 itlog
1 baso ng tubig
1/2 kutsarita ng asin

1/4 kutsarita ng pamintang durog

1 1/2 baso ng cornstarch

1/2 baso ng all purpose flour

Mantika

PREPARASYON:

1. Ihanda ang mga gagamiting sangkap tulad ng kangkong, harina, itlog, gawgaw(cornstarch) , tubig, asin at paminta sa paggawa ng crispy kangkong.

2.Una, alisin ang dahon ng kangkong. Hugasan sa tubig at patuyuin. Itabi muna ang kangkong at gawin ang batter. Huwag itapon ang mga tangkay at gamitin ang mga uto sa iba pang recipe tulad ng sinigang.

3.Ikalawa, paghaluin ang itlog, tubig, gawgaw, harina, asin pati na rin ang paminta sa isang mangkok.

4.Ikatlo, idagdag ang dahon ng kangkong at haluin hanggang malagyan ng batter ang lahat ng dahon.

5. Ikaapat, painitin na ang kawali sa saktong init ng kalan at saka ilagay na ang mantika.

6.Ikalima, iprito ang mga dahon hanggang sa maging malutong. Pagkatapos magluto, isara na ang kalan maging ang gasul.

7. Salain ang mga piniritong kangkong upang matanggal ang labis na mantika.

8.Habang pinapatiktikan ang mga kangkong, gumawa na tayo ng sawsawan.

9. Paghaluhin ang ketchup at mayonnaise sa isang platito. Maaari mo rin itong lagyan ng konting paminta.

10. Sa wakas, ilagay na ang mga kangkong sa pinggan at pwede na itong kainin.

-KATHLYN L. LUGUE-

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ADOBONG MANOK

BANANA CUE

BICOL EXPRESS