KARE-KARE


 

MGA SANGKAP:

1 kilong karne ng baboy

6 kutsara ng peanut butter

5-10 piraso ng sitaw, hiwain ng

3 pulgada kahaba

2 bungkos ng petsay 2-6 piraso ng dinikdik na bawang

1 sibuyas

1 kutsaritang pulbos na atsuwete

1 talong

1 kutsaritang patis

PARAAN NG PAGLULUTO:

Una, ihanda ang mga sangkap na gagamitin.

Ikalawa, magpakulo ng sapat at malinis na tubig sa isang kaldero o palayok.

Ikatlo, ilagay ang karne at kalahati ng sibuyas. Pakuluan muli hanggang sa lumambot. Maaring umabot hanggang 3 oras ang pagpapakulo.

Ikaapat, sa isang hiwalay na kawali, gisahin ang bawang at tirang sibuyas. Ilagay ang karne at pakuluan ng ng ilang minuto.

Ikalima, idagdag ang peanut butter, atsuwete powder at patis. Pakuluan muli ng mga 5 minuto.

Panghuli, ilagay ang mga gulay at haluin ng banayad bago hanguin sa kalan.

Sa wakas, maaari mo ng ihain ang iyong kare kare na may kasamang alamang.

-STEPHANIE DALE-

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

ADOBONG MANOK

BANANA CUE

BICOL EXPRESS