MOIST BANANA BREAD
SANGKAP:
Harina (all purpose flour)
Asukal (sugar)
Asin (salt)
Pampaalsa (baking powder)
Itlog (egg)
Mantika (oil)
Banilya (vanilla)
Saging (banana)
PREPARASYON SA PAGGAWA:
Una, ihanda ang mga kasangkapang gagamitin sa paggawa ng Banana Bread tulad ng harina, asukal, asin, pampaalsa, itlog, mantika, banilya, at saging.
Ikalawa, gamit ang spatula at mixing bowl paghaluin ang mga dry ingredients; 1 ½ tasa ng harina, 1 tasa ng asukal, 1 kutsarita ng asin, 1 kutsarita ng pampaalsa.
Ikatlo, sa mangkok durugin ang saging hanggang sa wala ng buo-buo. Itabi muna at umpisahan ng haluin sa mixing bowl gamit ang spatula ang mga wet ingredients; 2 itlog, ½ tasa ng mantika, 1 kutsarita ng banilya, at isali na din ang 1 tasa ng dinurog na saging. Ikaapat, habang hinahalo ang mga ito, buksan at painitin na ang oven sa loob ng 350 ℉.
Ikalima, ihanda na ang loaf pan at lagyan o pahiran muna ito ng mantika upang hindi magdikit ang nagawang mixture kapag naluto na.
Pagkatapos haluin ang nagawang mixture, maaari na itong ilagay sa inihandang loaf pan.
Susunod ay ilagay na ito sa oven at hintaying maluto.
Panghuli, saka ito tanggalin sa oven at hayaan munang lumamig ng kaunti.
At sa wakas, kapag ito’y lumamig na, pwede na itong hatiin gamit ang bread knife at ihanda.
-JADE DANIELLE VERGARA-
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento