ESPESYAL NA PUTO
SANGKAP:
1 kg All Purpose Flour
1 kg Sugar White
2 Alaska Evaporada(big)
1 Sachet Baking powder
15pcs Itlog
1 Box Cheese
150g Alsaka powder
1 Dairy Cream
PREPARASYON SA PAGGAWA/PAGLULUTO:
- Una,ihanda ang mga sangkap at kagamitan na iyong gagamitin.
- Pangalawa, linisin at ihanda ang lugar na paglulutuan. (Pagkatapos ihanda ang lahat ng paggagamitan at paglulutuan, ihanda mo naman ang iyong sarili sa pagagawa ng masarap at espesyal na puto.)
- Ikatlo, pagsamasamahin ang 1kg all purpose flour, 1kg asukal na puti, at ang labinlimang nakabating na itlog sa isang bowl.Pagkatapos ihalo na rin dito ang dalawang alaska evap at ilagay ang nakatunaw na baking powder sa malamig na tubig at isabay ding ilagay ang nakatunaw na dalawang dairy cream sa mainit na tubig.
- Pang-apat, haluin ang lahat ng pinagsamasama na sangkap at salain ito pagkatapos para maging smooth at saka lagyan ng cheese na nakagadgad.
- Ikalima, ilagay na ito sa mga cup at lagyan ng nakakwadradong cheese sa ibabaw.
- Habang naglalagay sa mga cup magpakulo na ng tubig sa steamer at kapag ito ay kulong kulo na pwede nang isalang ang mga putong nakalagay sa cup at maghintay ng labinlimang minuto para ito ay maluto.
- At sa wakas, makalipas ang labinlimang minuto ito ay luto na at pwede ng ihain at kainin.
-MARIEL M. YUMANG-
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento