TINOLANG MANOK
MGA SANGKAP:
• 2 lbs manok
• 1 sayote
• malunggay
• 1 katamtamang laki ng luya
• 1 katamtamang laki ng sibuyas
• 6 na butil ng bawang
• 2 kutsaritang patis
• 3 kutsara ng mantika
• 1 knorr chiken cube
• 1/8 kutsaritang paminta
• asin
• 6 na baso ng tubig
PROSIDYUR SA PAGGAWA:
1. Una, ihanda ang mga gagamiting sangkap.
2. Ikalawa, lagyan ng mantika ang kaserola at hintayin itong uminit.
2,. Ikatlo, kapag ito'y maiinit na ilagay na ang bawang, sibuyas at luya. Ituloy ang paghahalo sa mga ito.
3. Ikaapat, ilagay na ang manok. Lutuin ito hanggang sa magkulay light brown.
4. Maglagay ng tubig para sa magiging sabaw nito saka takpan hanggang sa kumulo.
5. Sa puntong ito, ilagay na ang knorr chicken cube at haluin ito.
6. Pagkatapos, ilagay na ang sayote maaari ding gumamit ng hilaw na papaya dito.Takpan ito ng hanggang isang minuto.
7. Ilagay ang malunggay maging ang mga pampalasa gaya ng patis at paminta. Kung matabang pa sa inyong panlasa, maaari ding budburan ito ng kaunting asin.
8. Panghuli, takpan ito ng hanggang isang minuto.
9. Sa wakas, maaari na itong ilagay sa malinis na lalagyan at pagsaluhan na kasama ang pamilya.
-MAICAH TEODORO-
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento