Mga Post

INTRODUKSIYON

Imahe
Ang hilig o talento sa pagluluto ay isa sa mga bagay na ating nadiskubre at mas lalong nahasa ngayong pandemya. Ang ilan ay pinagkakitaan at ginawang libangan. Ang mga recipe na nakatampok sa aming blog ay ilan lamang sa mga pagkaing maaaring ihanda mapatanghalian, miryenda o kung may okasyon man.Hindi rin maikakaila na mahilig tayong mag eksperimento at mag galugad ng mga bagong recipe na ating nakikita.Narito ang ilang halimbawa ng mga pagkaing paborito ng maraming Pilipino kalakip ang proseso ng paggawa nito.

KARE-KARE

Imahe
  MGA SANGKAP: 1 kilong karne ng baboy 6 kutsara ng peanut butter 5-10 piraso ng sitaw, hiwain ng 3 pulgada kahaba 2 bungkos ng petsay 2-6 piraso ng dinikdik na bawang 1 sibuyas 1 kutsaritang pulbos na atsuwete 1 talong 1 kutsaritang patis PARAAN NG PAGLULUTO: Una, ihanda ang mga sangkap na gagamitin. Ikalawa, magpakulo ng sapat at malinis na tubig sa isang kaldero o palayok. Ikatlo, ilagay ang karne at kalahati ng sibuyas. Pakuluan muli hanggang sa lumambot. Maaring umabot hanggang 3 oras ang pagpapakulo. Ikaapat, sa isang hiwalay na kawali, gisahin ang bawang at tirang sibuyas. Ilagay ang karne at pakuluan ng ng ilang minuto. Ikalima, idagdag ang peanut butter, atsuwete powder at patis. Pakuluan muli ng mga 5 minuto. Panghuli, ilagay ang mga gulay at haluin ng banayad bago hanguin sa kalan. Sa wakas, maaari mo ng ihain ang iyong kare kare na may kasamang alamang. -STEPHANIE DALE-

ADOBONG MANOK

Imahe
  MGA  KAKAKAILANGANIN NA SANGKAP: 1kl ng Manok 2 ulo ng sibuyas 1 ulo ng bawang Suka 1/4 Datu puti na toyo Pamintang Pino Siling Labuyo 3 patatas 2 dahon ng laurel 1 tasa ng tubig 1tsp Asukal PARAAN NG PAGLULUTO: Una, sa isang mainit na kawali igisa ang bawang at sibuyas kasabay nito ang patatas. Pangalawa, idagdag ang manok at pukawin ito. Pangatlo, isama ang toyo, suka, asukal, siling labuyo, tubig at mga dahon ng laurel. Pangapat, hayaang kumulo ang manok sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Panglima, takpan ang kawali at hayaang kumulo ang manok hanggang sa lumambot ito. Sunod, pagkatapos ng 20 minuto, tikman gamit ang kutsara kung tama ang lasa. Sa wakas, pwede mo na ito ihain at kainin kapares ng kanin at malamig na juice. -JULIA KYLE PANGAN-

TINOLANG MANOK

Imahe
  MGA SANGKAP: • 2 lbs manok • 1 sayote • malunggay • 1 katamtamang laki ng luya • 1 katamtamang laki ng sibuyas • 6 na butil ng bawang • 2 kutsaritang patis • 3 kutsara ng mantika • 1 knorr chiken cube • 1/8 kutsaritang paminta • asin  • 6 na baso ng tubig PROSIDYUR SA PAGGAWA: 1. Una, ihanda ang mga gagamiting sangkap. 2. Ikalawa, lagyan ng mantika ang kaserola at hintayin itong uminit. 2,. Ikatlo, kapag ito'y maiinit na ilagay na ang bawang, sibuyas at luya. Ituloy ang paghahalo sa mga ito. 3. Ikaapat, ilagay na ang manok. Lutuin ito hanggang sa magkulay light brown. 4. Maglagay ng tubig para sa magiging sabaw nito saka takpan hanggang sa kumulo. 5. Sa puntong ito, ilagay na ang knorr chicken cube at haluin ito. 6. Pagkatapos, ilagay na ang sayote maaari ding gumamit ng hilaw na papaya dito.Takpan ito ng hanggang isang minuto. 7. Ilagay ang malunggay maging ang mga pampalasa gaya ng patis at paminta. Kung matabang pa sa inyong panlasa, maaari ding budburan it...

BICOL EXPRESS

Imahe
                            MGA SANGKAP: 2.5 tasa ng gata ng niyog 1 kilo ng tiyan ng baboy, hiwain ito sa maliliit na piraso 1/2 tasa ng alamang 2 kutsara ng bawang, tadtarin ito. siling mahaba o Serrano Paminta 1 piraso ng sibuyas, hiwain ito ng pira-piraso asin paminta MGA HAKBANG: -Una, sa isang kawali, pakuluan ang karneng baboy hintayin hanggang sa lumambot ito. -Ikalawa, kapag ito ay malambot na, ilagay ang gata ng niyog. -Ikatlo ilagay ang sibuyas saka bawang. Ikaapat,lutuin ang gata hanggang sa ito ay magmantika. -Ikalima, Idagdag ang alamang at haluin. Sunod, Timplahan ng asin pati paminta. (Nasa iyo ang desisyon kung ano ang nais mong timpla kung gusto mo ng malinamnam o gusto mo ng sakto lang) -Panghuli ay Ilagay ang sili saka haluin. -At sa wakas maari mo na itong ihain habang ito ay mainit pa. -RACHELLE ANNE DAEP-

SPAGHETTI

Imahe
  M GA KASANGKAPAN: 1 Sibuyas  Kalahati ng isang Bawang 2 Carrots 1kg Giniling na Baboy 1 balot na hotdog 2 latang Mushroom 1 Condense Milk 2 Nestle Cream 1 Eden Cheese 250 g Tomato Sauce 150 g Pack Tomato Paste 1 Bell Pepper 1kg Pasta PREPERASYON: Una, Ihanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Tulad ng sibuyas, bawang, carrots, giniling na baboy, hotdog, mushroom, condense milk, nestle cream, cheese, tomato sauce, tomato paste, belle pepper. At syempre, ang spaghetti ay hindi mabubuo kung walang pasta. *Sa Unang hakbang, lutuin ang pasta. -Maglagay ng Tubig sa kaserola at lagyan ito ng asin. -Pagkatapos ilagay na ang pasta at pakuluan ng 8-10 minuto. -Matapos patiktikan ang pasta at ilagay sa lalagyan.  *Ikalawa, para naman sa paggawa ng sauce. -Una, igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. -Pag bumango na ang ginigisa na bawang at sibuyas. Maaari ng idagdag ang giniling na baboy. -Ikalawa, sa oras na maluto na ang baboy maaari ng idagdag an...

BUKO PANDAN

Imahe
  MGA SANGKAP: 1 pack ng Gelatin Powder 1/2 kilong kayod na buko  1 lata ng alaska condensada 2 pack ng Nestle Cream  45 g eden cheese PARAAN NG PAGGAWA NG BUKO PANDAN : Una, ihanda lahat ng sangkap na gagamitin sa ating paggawa ng buko pandan. Ikalawa, ilagay ang gelatin powder sa kaserola at lagyan ito ng dalawang basong tubig. Haluin ito habang pinapakuluan upang hindi mamuo ang powder. Pagkatapos, patayin ang apoy kung mapansing matigas na ang gelatin at isantabi muna ito upang lumamig. Ikatlo, hiwain ang gelatin ng pa kuwadrado. Ikaapat ,ilagay lahat ng sangkap gaya ng gelatin, gatas, buko at keso. Pagkayari, haluin itong mabuti at maari itong tikman gamit ang kutsara upang malaman kung sakto lang ba ang tamis nito. Panghuli, ilagay ito sa tupperware at palamigin sa ref kahit dalawang oras o higit pa. At maaari na itong ihain upang makain. -ERIKA MAE C. TORRES-

ESPESYAL NA PUTO

Imahe
  SANGKAP: 1 kg All Purpose Flour 1 kg Sugar White 2 Alaska Evaporada(big) 1 Sachet Baking powder 15pcs Itlog 1 Box Cheese 150g Alsaka powder 1 Dairy Cream PREPARASYON SA PAGGAWA/PAGLULUTO: Una,ihanda ang mga sangkap at kagamitan na iyong gagamitin. Pangalawa, linisin at ihanda ang lugar na paglulutuan. (Pagkatapos ihanda ang lahat ng paggagamitan at paglulutuan, ihanda mo naman ang iyong sarili sa pagagawa ng masarap at espesyal na puto.) Ikatlo, pagsamasamahin ang 1kg all purpose flour, 1kg asukal na puti, at ang labinlimang nakabating na itlog sa isang bowl.Pagkatapos ihalo na rin dito ang dalawang alaska evap at ilagay ang nakatunaw na baking powder sa malamig na tubig at isabay ding ilagay ang nakatunaw na dalawang dairy cream sa mainit na tubig. Pang-apat, haluin ang lahat ng pinagsamasama na sangkap at salain ito pagkatapos para maging smooth at saka lagyan ng cheese na nakagadgad. Ikalima, ilagay na ito sa mga cup at lagyan ng nakakwadradong cheese sa ibabaw. Habang naglala...

MOIST BANANA BREAD

Imahe
  SANGKAP:  Harina (all purpose flour)  Asukal (sugar)  Asin (salt)  Pampaalsa (baking powder) Itlog (egg)  Mantika (oil)  Banilya (vanilla)  Saging (banana) PREPARASYON SA PAGGAWA: Una, ihanda ang mga kasangkapang gagamitin sa paggawa ng Banana Bread tulad ng harina, asukal, asin, pampaalsa, itlog, mantika, banilya, at saging. Ikalawa, gamit ang spatula at mixing bowl paghaluin ang mga dry ingredients; 1 ½ tasa ng harina, 1 tasa ng asukal, 1 kutsarita ng asin, 1 kutsarita ng pampaalsa. Ikatlo, sa mangkok durugin ang saging hanggang sa wala ng buo-buo. Itabi muna at umpisahan ng haluin sa mixing bowl gamit ang spatula ang mga wet ingredients; 2 itlog, ½ tasa ng mantika, 1 kutsarita ng banilya, at isali na din ang 1 tasa ng dinurog na saging. Ikaapat, habang hinahalo ang mga ito, buksan at painitin na ang oven sa loob ng 350 ℉. Ikalima, ihanda na ang loaf pan at lagyan o pahiran muna ito ng mantika upang hindi magdikit ang nagawang mixture kap...

BANANA CUE

Imahe
SANGKAP:   1 piling na saging saba  1 bote Mantika  1/2 tasa ng asukal na pula ( brown sugar) PREPARASYON: Una, linisin ng mabuti ang mga sangkap na kailangan. Upang mapanatili ang kalidad at kalinisan ito bago iluto. Sumunod, balatan ang saging at ilagay ito sa malinis na plato. Pagkatapos magbalat, isantabi ang mga saging. Ilagay ang mantika sa kawali at painitin ito. Kapag mainit na ang kawali, ilagay ang asukal na pula o brown sugar pati ang saging at pirituhin ito. Haluin maigi ang pinipirito upang maiwasan masunog ang saging. Hintaying maluto ito ng husto hanggang sa kumapit ang asukal sa saging at maging crispy ito. Tuhugin ang mga saging gamit ang bananacue stick at maglagay ng tig-dalawang piraso ng saging bawat stick. Panghuli, ihanda ang mga nagawang bananacue stick kasama pampalamig na inumin. -ALIAHNA SANCHEZ-

CRISPY KANGKONG

Imahe
    SANGKAP: 1 tungkos ng kangkong 1 itlog 1 baso ng tubig 1/2 kutsarita ng asin 1/4 kutsarita ng pamintang durog 1 1/2 baso ng cornstarch 1/2 baso ng all purpose flour Mantika PREPARASYON: 1. Ihanda ang mga gagamiting sangkap tulad ng kangkong, harina, itlog, gawgaw(cornstarch) , tubig, asin at paminta sa paggawa ng crispy kangkong. 2.Una, alisin ang dahon ng kangkong. Hugasan sa tubig at patuyuin. Itabi muna ang kangkong at gawin ang batter. Huwag itapon ang mga tangkay at gamitin ang mga uto sa iba pang recipe tulad ng sinigang. 3.Ikalawa, paghaluin ang itlog, tubig, gawgaw, harina, asin pati na rin ang paminta sa isang mangkok. 4.Ikatlo, idagdag ang dahon ng kangkong at haluin hanggang malagyan ng batter ang lahat ng dahon. 5. Ikaapat, painitin na ang kawali sa saktong init ng kalan at saka ilagay na ang mantika. 6.Ikalima, iprito ang mga dahon hanggang sa maging malutong. Pagkatapos magluto, isara na ang kalan maging ang gasul. 7. Salain ang mga piniritong kangkong u...